Tila gustong idamay ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio ang mga kapuwa niya Diehard Duterte Supporters (DDS) para sumakabilang-buhay.
Sa ginanap na pagtitipon ng Reform Alliance for Accountability, Good Governance, and Ethics (RAGE) Coalition noong Sabado, Mayo 23, muli niyang tinanong ang mga tagasuporta ng pamilya Duterte kung handa silang mamatay.
“Willing ba kayong mamatay? Mamatay na tayong lahat," saad ni Respicio.
Minsan na ring tinanong mga DDS kung handa raw ba silang ibuwis ang kanilang buhay para kay Vice President Sara Duterte.
Maki-Balita: 'Handa ba kayo sa rebolusyon?' VM Respicio, willing ibuwis ang buhay para kay VP Sara!
Ito ay sinabi niya sa ginanap na "Inday Sara Duterte 2028 Movement” rally noong Mayo 9, sa Rizal Park sa San Pedro Street, Davao City.
"Dahil ako,” anang Bise-Alkalde, “willing akong ibuwis ang aking buhay. Gusto ko ngang marinig ang sagot sa inyo. Handa ba kayo sa isang rebolusyon? Handa ba kayong ibuwis ang inyong buhay para kay VP Sara Duterte?"
Matatandaang naghain na ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng mga cybercrime-related complaint laban kay Respicio dahil sa Inciting to Sedition at Inciting Rebellion.