Nagpapasalamattiyak ang pamilya ni Dolphy kay Zsa Zsa Padilla dahil kahit wala na ang Comedy King at masaya na ang huli sa piling ng partner niyang si Conrad Onglao, hindi pa rin nito nakakalimutan ang dating kabiyak.

Dahil sa pandemic ng Covid- 19, hindi nakadalaw si Zsa Zsa sa puntod ni Dolphy noong All Soul’s Day last year, kaya nang magkaroon ng pagkakataon at puwede nang pumunta sa memorial park, binisita ni Zsa Zsa ang puntod ni Dolphy at nag-alay ng bulaklak.

“For the first time in 8 years, I wasn’t able to put flowers on my Lovey’s tomb during “Araw ng Patay” and Christmad so since it’s Inday’s day off, cleaned together with my driver and ordered flowers from CAB. July will be his 9th death anniversary. Please say a little prayer for him.”

Hindi lang si Zsa Zsa ang pinuri ng netizens na hanggang ngayon, hindi pa rin niya nakalilimutan si Dolphy, kundi maging si Conrad. Naiintindihan daw nito si Zsa Zsa at kung bakit hindi pa rin makalimutan si Dolphy.

Tsika at Intriga

Ogie Diaz, umalma na 'napahiya konti' siya dahil sa movie poster

Speaking of Zsa Zsa and Conrad, kundi siguro nagka-pandemic, baka operational na ang resort nilang Casa Esperanza sa Piis, Lucban, Quezon. Dini-develop ang property na ito at bubuksan nilang resort at nangako si Zsa Zsa na i-a-announce niya kapag puwede na silang tumanggap ng bakasyonista.

-NITZ MIRALLES