Kasunod ng beach photos sa social media ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ay nagkaroon ng espekulasyon ang netizens na may ‘malalim’ nang namamagitan sa box-office tandem?

Sa virtual presscon ng The House Arrest of Us, ang pinagbibidahan nilang romantic-comedy digital series sa iWant at KTX.ph, naitanong kay Daniel

kung pabor sila ni Kathryn sa live-in o pagsasama ng magkasintahan sa iisang bubong?

“Whoa! Hahaha! Hindi pa siguro. Hindi pa kami handa magsama sa isang bahay,” sagot ni Daniel.

Tsika at Intriga

Niligwak daw sa TNT: ABS-CBN, It's Showtime pinaratangang credit crabber dahil kay Sofronio

Sabay ipinaliwanag ng Kapamilya actor na may mga nakababata silang kapatid ni Kathryn na tumitingala rin sa kanila.

“Papakasal muna kami saka kami magsasama sa isang bahay.

“Dahil si Kathryn nandun pa yung [kapatid niya na] si Lexine, di ba? Bata pa si Lexine. Siya ang ate nun. Binabantayan niya yun.

“Ako naman, nandiyan pa yung mga kapatid kong babae. Binabantayan ko pa rin.

“Marami pa kaming bantayang magaganap. Papakasal muna kami.”

Kahit papaano ay may idea raw sina Kathryn at Daniel kung paano sila kumilos sa bahay, base na rin sa pagsasama nila sa lock-in taping ng The House Arrest of Us.

“Parang ganun, bahay-bahayan. Makikita mo kung paano makisama rin sa iba. Kasi may kasama rin kaming iba sa parang villa,” saad ni Kathryn.

Kasama raw nila sa kanilang accommodations ang co-stars na sina Hyubs Azarcon at Alora Sasam.

“So parang, yeah, makikita mo kung maayos ba itong tao na ito sa gamit niya, gaano siya katagal mag-prepare.

“Mao-observe mo yung maliliit na bagay pag nasa isang villa kayo ng ilang linggo.

“May mga ganun na pag tiningnan mo, ‘Oh my gosh ganito pala siya,” sabi ni Kathryb.

Dugtong niya, siguradong pareho raw sila ni Daniel na gustong malinis palagi ang kanilang bahay in the future.

“Gusto lang namin pareho yung malinis. Kasi naaapektuhan kung paano kami mag-isip or paano mood namin kung magulo. Kapag sa table maraming kalat, or sa CR...

“Hindi siya kaartehan, e. Ganun lang kami na tao. Gusto namin maging clear para maging clear mindset namin.”

Bukas sina Daniel at Kathryn sa pagsasabing mas lumalim ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa loob ng halos siyam na taong sila ay magkarelasyon.

Kung tatanungin si Daniel, sigurado raw siyang si Kathryn ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.

Ganoon din naman si Kathryn.

“If you ask me if he’s the one, I think, yes, he’s the one. Hindi ko ma-imagine ang future ko na wala si DJ,” ani Kathryn, na ang tinutukoy na DJ ay si Daniel.

Pero hindi raw sila nagmamadali pagdating sa paglagay sa tahimik, ayon kay Daniel.

“Hindi namin pwede biglain mga sarili namin. Nakaplano iyan, e. “Nakalista yung dapat gawin para hindi rin kami ma-rattle sa decision na gagawin namin.

“Kasi pag binigla niyo yun isa’t isa, papasok mga problema, e. Baka dun kami bigla magkaproblema...

“So, nilalatag muna namin yung mga bagay.”

Napaatingin muna si Daniel kay Kathryn at sinabing, “This year, mag- 26 na ako. Ikaw, Love, mag-25 ka na. Ganito na tayo bigla...”

Giit ni Kathryn, “Dati mga tanong sa amin, ‘Kailan kayo aamin?’ Ngayon marriage na. Chill muna tayo.”

Pareho raw silang naniniwalang ang marriage ay “lifetime commitment” na hindi basta-basta na lang pinagdedesisyunan.

Sabi pa ni Daniel, “Pero para sa akin, kapag kinasal kami sa tamang panahon, ibig sabihin handa na akong ibigay sa kanya habambuhay lahat.”

Naiintindihan daw ni Kathryn na hindi maiwasang matanong sila ni Daniel tungkol sa pagpapakasal, lalo na’t engaged na ang malapit nilang mga kaibigan na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.

Sabi pa ni Kathryn: “May mga kaibigan kaming engaged. Gusto namin maging best bridesmaid and groomsman muna. Kasi iba rin naman age namin sa kanila.

“Iba-iba tayo ng timing lahat. Kami kumporatable kami na bago tumalon sa ganyang klaseng buhay, kailangan ready kami.

“Kasi ayaw namin masira yung relationship. Kailangan pareho kaming ready and yung pamilya namin ready.”

Baka raw himatayin ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo o kaya ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kapag ginulat nila ang mga ito na gusto na nilang magpakasal.

Diin ni Kathryn, “Ayusin muna natin yung mga sa kaibigan nating ikakasal.

“Huwag tayo magpa-pressure just because nag-propose sila, ‘tapos kami na din.

“Hindi. Respeto yun sa amin at sa ibang couple din na may ibang time.”

-ADOR V. SALUTA