Naloka si Kapamilya star Barbie Imperial ang pagpalo ng kaniyang electric bill sa ₱18,964.82 bagama’t nag-iisa lang sa kaniyang condominium unit.
Saad pa ni Barbie sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Hunyo 28, halos hindi na siya nakakauwi sa kaniyang unit dahil 12 to 14 na oras ang ginugugol niya sa taping.
Kaya caption niya sa litrato ng kaniyang bill, “Meralco wild!!!”
Habang isinusulat ang ulat na ito, wala pang nailalabas na anumang pahayag o komento ang Meralco hinggil sa nasabing post.
Matatandaan namang isa pa sa mga personalidad na umalma sa kaniyang electric bill ay ang talent manager at concert producer na si Cacai Mitra, na kapatid ni sia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Sa kaniyang post noong nakaraang Martes, Hunyo 16, makikita na umabot sa ₱94,355.21 ang kaniyang bill bagama’t binanggit niyang siya ay “conscious” sa paggamit ng kuryente upang makatipid.
MAKI-BALITA: Higit ₱94k ba naman! Meralco, nagsalita sa pagpalag ni Cacai Mitra sa bill