Iniulat ng Department of Education (DepEd) na patuloy na nagpapagaling at bumbuti ang kondisyon ng mga mag-aaral ng San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, matapos silang gulantangin ng pamamaril noong nakaraang Lunes, Hunyo 22.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Ilang detalye sa likod ng kauna-unahang school shootout sa Tacloban City
Batay sa ulat ng DepEd, as of June 27, ang 12 na mga estudyanteng naospital ay nasa “stable to recovering condition” na.
Ang mga sumusunod na datos ang kasalukuyang estado ng bawat mag-aaral:
Learner 1: Nanatili sa Intensive Care Unit (ICU), conscious, coherent, sumasailalim na sa soft diet
Learner 2 at 3: Conscious, coherent with stable vital signs, posible nang makalabas ng ospital
Learner 4: Recovering
Learner 5: Conscious, stable vital signs, recovering
Learner 6: Tapos nang sumailalim sa operasyon, conscious, coherent
Learner 7: Recovering
Learner 8: Discharged
Learner 9 at 10: Tapos nang sumailalim sa operasyon
Learner 11: Ginamot sa minor Operating Room (OR)
Learner 12: Discharged
Sa kasalukuyan, tiniyak ng DepEd na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ospital at pamilya ng apektadong learners upang matiyak na naibibigay ang kanilang suporta para sa kanilang patuloy na paggaling.
KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng nagkritikal matapos ang shooting incident sa Tacloban, stable na ang kondisyon