Nagbalik-tanaw ang celebrities sa mga aral at karanasan sa taong lumipas at umaasa na magiging maganda ang hatid ng bagong taong 2021.
Tiyak na marami ang sasang-ayon sa sinabi ni action man at broadcaster Julius Babao na worst year ang 2020.
“Sa kabilang banda. It made us appreciate ang pinaka-simpleng bagay. Ang bonding sa pamilya at maging aware sa ating kalusugan. At naging malapit tayo sa Diyos,” wika niya.
“Count your blessing at be grateful to everyone at naging bahagi ng ating buhay,” payo naman ni Batangas Representative Cong. Vilma Santos Recto.
Ni sa panaginip ay hindi naman inakala ng aktor/direktor na si Ricky Davao na mararanasan niya ang pandemyang naghahasik ng lagim at kamatayan.
“Ang mahalaga ay may pamilyang masasandalan at kaibigang makakausap. On a personal level i become more prayerful. Also na-realize ko ang kahalagahan ng pag-iimpok or savings,” wika niya.
Lalo namang tumibay ang pananampalataya ni Kuh Ledesma ngayong panahon ng pandemya.
“Let us share Christ to others because it is Jesus alone that can hold our lives together,” sey niya.
Pamilya rin ang prioridad ng batikang aktor na si Albert Martinez. “Dont take things for granted. Appreciate God’s creations,” aniya.
Sa pagpasok ng 2021 dasal ng lahat ang isang manigo, ligtas at masaganang taon for all.
-REMY UMEREZ