July 27, 2026

Home BALITA Probinsya

2 estudyanteng menor de edad, nahulihan ng baril, patalim sa loob ng eskwelahan sa Aparri

2 estudyanteng menor de edad, nahulihan ng baril, patalim sa loob ng eskwelahan sa Aparri
courtesy: PTV

Nahulihan ng baril at patalim ang dalawang menor de edad na estudyante sa loob ng isang paaralan sa Aparri, Cagayan nitong Biyernes, Hunyo 26.

Nagsasagawa ng mga tungkuling pangseguridad ang mga tauhan ng 1st Mobile Force Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company (1MFP, 2NDPMFC) sa Aparri School of Arts and Trade (ASAT) bandang alas-11:28 ng umaga nang inspeksyunin nila ang mga backpack ng mga estudyante.

Humantong ang inspekyon sa pagkumpiska ng isang homemade caliber .38 firearm at isang kitchen knife mula sa dalawang lalaking estudyante.

Ayon sa pulisya, inamin umano ng mga estudyante na dinala nila ang mga armas sa paaralan dahil sa personal na alitan at "cutting classes."

Dagdag pa ng pulisya, isang 15-anyos na mag-aaral sa Grade 10 ang nahulihan ng baril, habang isang 14-anyos na Grade 8 na estudyante naman ang natagpuang may dalang kutsilyo sa loob ng kaniyang bag.

Probinsya

Number coding, hindi suspendido sa SONA—MMDA