July 10, 2026

Home BALITA

Radicalization ng internet sa kabataan, ‘di na kailangang pag-aralan?—Sen. Robin

Radicalization ng internet sa kabataan, ‘di na kailangang pag-aralan?—Sen. Robin
Photo Courtesy: Robin Padilla (FB), Pexels

Kinuwestiyon ni Sen. Robin Padilla ang pangangailangang suriin ang epekto ng internet sa pagiging mapanganib ng kabataan sa kasalukuyan.

Sa isang Facebook post ni Padilla nitong Biyernes, Hunyo 26, sinabi niyang matagal na umanong biktima ang kabataan ng mga political, religious, at ideological extremism.

Aniya, “Radicalization mula sa internet, kailangan pa bang pag-aralan? Can we not learn from our past experiences? Ang kabataan natin ay matagal nang nagiging biktima ng religious, political at ideological  extremism! Mga bata pa kaya na napakadaling mahikayat!”

“Ano pa kayang dapat pag-aralan at pagdebatehan? Mainam sana kung ano ang mga naging AKSYON ng ibang mas progresibong bansa sa usapin ng mga online platform na nakakaapekto sa mga bata ay pagbasehan na para ipasa ang aking panukalang Children's Safety in Social Media Act?” dugtong pa ni Padilla.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, pagbabawalan ang mga menor de edad na gumamit ng social media platforms.

Probinsya

2 tuta, patay matapos walang-habas na ibalibag ng amo sa sahig

Bukod dito, iginiit din niyang amyendahan na ang Juvenile Justice Welfare and Law para ibaba sa 10-anyos ang edad ng criminal responsibility.

Kaugnay pa rin ito sa ginawang pamamaril ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes ng umaga, Hunyo 22, na ikinasawi ng tatlong estudyante.

Maki-Balita: Matapos insidente ng barilan: Sen. Robin, tinalak special session para sa 'Juvenile Justice Act!' 

Ngunit nauna nang tinuligsa ng Akbayan Party-list ang tindig ni Padilla kaugnay sa pagpapababa ng age of criminal responsibility. Anila, sinasamantala lang umano ng senador ang naturang trahedya upang maisulong ang wala sa hulog nitong panukala.

Maki-Balita: Akbayan binira si Sen. Robin: Preso sa bata, gusto; kay Bato ayaw?