July 13, 2026

Home FEATURES Trending

Guro binully, nilait ng learners: ‘Andaming pimpols ni Sir, ang pangit niya!'

Guro binully, nilait ng learners: ‘Andaming pimpols ni Sir, ang pangit niya!'
Photo courtesy: Unsplash/Facebook

Naging emosyonal ang isang guro matapos niyang mabasa ang mapanlait na komento ng ilan sa kaniyang mga estudyante tungkol sa kaniyang pisikal na anyo habang nagsasagawa siya ng klase.

Sa isang viral social media post, ikinuwento ng gurong nagtuturo siya ng Mathematics sa ibang seksyon bilang bahagi ng departmentalized scheme sa kanilang paaralan nang mapansin niyang may dalawang mag-aaral na nagtatawanan habang nakatingin sa kanilang notebook.

Dahil sa ingay na nalilikha ng dalawa, nilapitan niya ang mga ito at hiniling na makita ang kanilang notebook. Doon niya nabasa ang mga salitang ikinasama ng kanyang loob.

Nakasulat umano sa pahina ang, “Andming pimpols ni sir ang pangit niya.”

Ayon sa guro, bagama’t nauunawaan niyang dumaraan pa lamang sa yugto ng paghubog ng kanilang emosyon at asal ang mga estudyante, hindi pa rin niya naiwasang masaktan sa kaniyang nabasa.

Trending

Live action ‘Naruto’ nasa pre-production na; global casting, umaarangkada!

Aniya, nakaramdam siya ng hiya, lungkot at pagkadismaya.

"As a teacher, I understand that learners are still developing socially and emotionally, but reading those words was still HURTFUL. It made me feel EMBARASSED, SADDENED, and DISAPPOINTED," aniya.

Binigyang-diin din ng guro, na tulad ng ibang tao, may damdamin din ang mga kagaya niya.

"Like everyone else, teachers have feelings too. We may stand in front of the class with confidence and professionalism, but we are also human beings who can be affected by unkind words," aniya.

Ayon pa sa kaniya, ipinapaalala ng naturang karanasan na hindi lamang mga mag-aaral ang maaaring maging biktima ng bullying, kundi maging ang mga guro.

Sa kabila ng nangyari, sinabi ng guro na patuloy pa rin niyang gagabayan ang kaniyang mga estudyante nang may pasensya at pang-unawa. Umaasa rin siyang magsisilbing paalala ang insidente na ang kabutihan, paggalang at malasakit ay dapat isabuhay ng lahat, anuman ang edad o katayuan sa buhay.

"Moments like this remind us that bullying is not limited to students alone. Teachers can also become targets of hurtful remarks and disrespectful behavior."

"While I will continue to guide my learners with patience and understanding, I hope this experience serves as a reminder that kindness, empathy, and respect should be practiced by everyone, regardless of age or position," aniya.

Photo courtesy: Facebook

Photo courtesy: Facebook

Marami ang nagpahayag ng suporta sa guro at iginiit na nararapat lamang na maturuan ang mga mag-aaral ng paggalang, hindi lamang sa kanilang kapwa estudyante kundi maging sa kanilang mga guro, na araw-araw na nagsisikap upang maibahagi ang kaalaman sa loob ng silid-aralan.

Nabanggit din ng guro si "Inspector Na Hwa-jin," ang lead inspector fictional character sa patok na Korean drama series na "Teach You a Lesson" na siyang namumuno sa Educational Rights Protection Bureau (ERPB), na nagreresolba sa malalang mga kaso ng school violence, bullying, at systemic corruption na hindi na makontrol sa school heads.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Sometimes our learners are bullies, they don't mind what they are talking about, it's kinda hurtful or not. Don't you worry about, my inaanakk you are not only the one who has been bullied marami tayo. This is how our patience is being tested....But my recommendation; please call their parents or guardians in school for a short talk."

"Okay lang yan be. Magpa project ka nalang ng Rejuv set."

"saddened that the law which is a mechanism built to safeguard the students against abuse becomes a weapon used to undermine and exploit the rights of our teachers."

"Hindi ka naman pangit sir,, hindi totoo yan! Panatilihin ang magandang puso."

"Basta ang importante, sir pogi ka sa mata ng misis mo."

Habang isinusulat ito, pumalo na sa 8.7k reactions, 976 shares, at 246 comments ang nabanggit na post.