INULAN ng congratulations si Vice Ganda after mapanood ang house tour sa kanyang vlog sa YouTube. Ang laki at ang ganda naman kasi ng bahay ni Vice hindi lang pang-mayaman, kundi pang mayamang-mayaman. Sa pintuan pa lang ng bahay, yayamanin na ang feel at lalo na kapag pumasok na sa bahay.
Ang living room ng bahay ni Vice, ang laki at comment tuloy ng kanyang kasama, “parang mall” at sabi naman ng isa, “mala-lobby ng hotel.” Iba’t ibang klase rin ng upuan ang nasa living room at ang iba, nakakaaliw upuan. Ipinakita rin ni Vice ang kanyang dining area, clean kitchen, den, comfort room, at pati ang swimming pool na elevated. May elevator din ang bahay para siguro sa ayaw nang gumamit ng hagdan paakyat ng second floor. May dumbwaiter din na magdadala ng food sa second floor at hindi na kailangang bumaba pa ng gustong kumain.
At ang refrigerator, malaki at puno ng pagkain at napa-comment na naman ang kaibigan ni Vice na malaking kaibahan sa dati nilang buhay na P250.00 lang ang budget nila sa pamamalengke for a day. Hindi ba nababanggit ni Vice kung magkano ang worth ng kanyang bahay na siguradong milyun-milyon dahil sa laki, ang ganda at puno ng mamahaling gamit. Nakakaiba rin ang facade ng bahay ni Vice, hindi ‘yung nakikita natin sa ibang bahay dahil para siyang building sa labas.
Nakalipat na si Vice sa bago niyang bahay last Christmas 2020, kaya sa bagong bahay na nila sinalubong ng kanyang pamilya ang Bagong Taon.
-NITZ MIRALLES