NAPASABAK na sa pagpo-produce si Jodi Sta. Maria ng gawin ang mini series My Single Lady, para sa iWant. Artista at producer ang role dito ni Jodi. Her second film venture ay The Boy Foretold by the Stars, na BL inspired starring Adrian Lindayag at Keean Johnsonas high school senior students na sa tulong ng fortune teller ay magkaka-kilala at a high school retreat and fall in love.
Nagkaroon ng problema ka agad, sinalo at pinagkagastusan ni Jodi matuloy lang ang pelikula. Hindi pa gaanong sikat ang BL series ng simulan ang The Boy Foretold By The Stars. Nagustuhan ni Jodi ang tema at isa ito sa kalahok sa patapos na 2020 Metro Manila Film Festival.
Learning experience kay Jodi ang pagpo-produce at nabibigyan niya ng trabaho ang ilang kasamahan sa industriya. She is always on the look-out for good materials.
Maganda ang movie review na aming nabasa hinggil sa pelikula. Wish namin na sana’y malaki ang maitulong para panoorin ng marami via online. Paging the milleneals at ang LGBTQ+ Community.
-REMY UMEREZ