HINDI naman pala true ang balitang naputulan ng kuryente ang aktres na si Claudine Barretto.

claudine

Nilinaw ito mismo ni Claudine matapos kumalat ang tsika na

pinutulan ng Meralco ng kuryente ang bahay ng aktres nitong bisperas ng Pasko.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Giit ni Claudine imposibleng mawalan ng ilaw o kuryente ang kanilang bahay dahil meron silang sariling generator na katulad ng ginagamit sa mga syuting. Kaya raw suplyan ng naturang generator ang kanilang buong kabahayan.

Dagdag pa ng dating aktres hindi siya talaga puputulan ng kuryente ng Meralco dahil sa umiiral na batas ngayon – ang Bayanihan Act ll – na ipinagbabawal ang pagputol ng kuryente hanggang January 31, 2021.

Aniya, hindi lang daw sila nagkaintindihan ni Atty. Topacio kaya ganun ang naging pahayag ng kanyang abogado nang mag-guest ito sa isang showbiz online show.

Ayun na man pala!

-Ador V. Saluta