PERSONAL na inamin ng Korean actress na si Son Ye-jin ang kanilang relasyon sa aktor na si Hyun Bin matapos isiwalat ng digital news site ang relasyon nilang dalawa at kumpirmahin ng kani-kanilang agencies.

Sa Instagram post nitong Enero 1, inaminsi Ye-jin na dating sila ni Hyun Bin, ang kanyang co-star sa hit drama na Crash Landing on You, at sinabi nitong masaya siya na nakilala ang aktor, na inilarawan niyang “good person.”

“I’m thankful for being able to meet a good person and I will try to take care of it (relationship),” pagbabahagi ng aktres patungkol kay Hyun Bin.

“Why do I feel so embarrassed to appear before you with my personal story rather than work for the first time. Hmm…um…uh… Yes it is. Haha. Um… I don’t know what to say but I think I have to say something to you. It’s too awkward and weird,”pakukumpirma sa kanilang relasyon.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Pagbabahagi pa nito sa fans, “The love and support you give me, I always keep it in my heart.. I hope there are more good things in the new year. Be healthy.”

May 1.4 milyon likes na at 102,000 comments ang IG post na ito as of writing.

Inilabas ng Korean news outlet na Dispatch ang ulat at photos ng dalawa kasabay ng pagpasok ng taon kung saan mababasa sa report na walong buwan na ang relasyon ng dalawa.

Matapos lumabas ang balita, mabilis namang kinumpirma ng kani-kanilang agencies ang relasyon.

Trending sa Twitter ang topics tulad ng “Hyun Bin,” “CLOY” (o “Crash Landing on You”) at “BinJin”.

Sa South Korea, top two news topics ang Hyun Bin and Son Ye-jin, at “Crash Landing on You” habang ang “Hyun Bin and Son Ye-jin,” “Son Ye-jin,” “Hyun Bin” at “Hyun Bin age” ay pasok din sa top four trending search terms sa web portal Naver.

Kapwa 38-anyos, unang nag-teamed up ang dalawa sa pelikulang The Negotiation na inilabas noong September 2018.

Nasundan ito ng series na Crash Landing on You na umere noong December 2019 hanggang February 2020.

-JONATHAN HICAP