MABUTI at walang nam-bash kay Sanya Lopez dahil sa photo na pinost na may hawak siyang torotot noong New Year’s Eve, eh ipinagbawal ang torotot. Sabagay, hawak lang naman ni Sanya ang torotot, hindi niya gamit, saka kung gamitin man, parang wala naman siyang kasama na malapit sa kanya.

sanya

Anyway, may appreciation post si Sanya sa nakaraang taon at may wish din for this year. “Maraming salamat sa lahat ng blessings at lahat ng aral na binigay mo sa buong taon 2020. Wish ko this 2021 ay maging maayos na ang lahat! Maging masaya at magmahalan pa! Lord thank you gabayan nyo po ulit kami sa panibagong taon na ito! Happy New Year!!!” Kabilang sa ipinagpapasalamat ni Sanya ay ang pagkapili sa kanya ng GMA-7 na kapalit ni Marian Rivera na leading lady ni Gabby Concepcion sa First Yaya na airing na sa March. Nagsimula na ang lock-in taping at sa January 14, babalik ang cast para sa second leg ng lock-in taping for the said rom-com series. Ipinagpapasalamat din ni Sanya na kasama siya ni Sen. Bong Revilla sa weekend series na Agimat ng Agila na kung matutuloy, this January na ang airing. Imagine, may Gabby na siya, may Sen. Bong pa na kasama sa trabaho, sino ba naman ang hindi matutuwa at magpapasalamat.

-Nitz Miralles
Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'