SINA Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang bagong couple sa showbiz at nabuo ang kanilang relasyon sa panahon ng COVID-19 pandemic.

diego at barbie

Si Diego na ang nag-announce at nagkumpirma na sila na ni Barbie by posting their photo together at lagyan ng caption na “Happy new year to us. thanks for making the end of my 2020 memorable. Let’s goo 2021.” Binisita namin ang Instagram ni Barbie, wala pa kaming nakitang post niya na litrato nila ni Diego o baka naman naghihintay lang ng right time at right photo si Barbie na kanyang ipo-post. May shippers na agad sina Diego at Barbie at wish nila, magtagal ang relasyon ng dalawa o kaya’y maging forever na. They make a lovely pair daw at wish nila, kapag naghiwalay sila, hindi sila masyadong masaktan dahil pareho raw emotional sina Diego at Barbie judging from their past relationships.

-Nitz Miralles
Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'