WALA mang photos na magkasama, hindi nakaligtas ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa matitinik na fans na nakuhanan ng larawan ang dalawa habang namamasyal sa Baguio City nitong nakaraang weekend.
Sa mga videos at photos na pinost ng ilang netizens, huli ang sweetness ng dalawa sa isa’t isa.
May video rin kuha ang isang follower kung saan spotted si Bea sa isang restobar sa siyudad habang kumakanta ito ng Waiting In Vain kasabay ng live band. Kita rin ang paglapit ni Dominic para kunan ng litrato ang aktres.
Habang may photos din ang dalawa kasama ng kanilang grupo habang naglalaro ng bowling sa Baguio Country Club.
Sa ngayon hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Abang-abang lang tayo.
-ADOR V. SALUTA