SUPER excited ang bagong Kapuso na si Richard Yap na magtrabaho, lalo’t ngayon maaari na niyang maka-work ang ilang aktres na iniidolo rin niya.
“To name my top 5, it would be Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Rhian Ramos, Marian Rivera, Lovi Poe …I mean ang daming mahuhusay na leading ladies sa GMA,”pagbabahagi ni Richard.
Aminado rin ang aktor na huge fan siya ni Michael V.
“Sa actors, si Michael V. I’ve been a long time fan ng Bubble Gang.”
Ayon pa kay Richard, may mga alok din sa kanya sa ibang networks ngunit sa huli pinili niya ang GMA-7 para sa posibilidad na makatrabaho ang pinakamagagaling na artist ng network.
“Most of the networks are on block-timers kasi…Some of them starting up pa lang so they can’t compete… I choose GMA because it is the most established (network).”
“Choosing GMA was the easiest choice,” dagdag pa niya.
Kabilang naman sa mga bumati sa kanyang paglipat sa Kapuso Network, ang ilan sa fellow celebrities niya tulad nina Matteo Guidicelli, Arnold Cruz Reyes, Rita Daniela at Ken Chan.
-Neil Patrick Nepomuceno