MAY payo si Big Brother sa PBB Housemates connect edition at maging sa lahat na dapat daw ay maghari lagi sa ating puso at isipan ang respeto at understanding sa kapwa. dahil iba’t iba ang karanasan at pinagdadaanan ng bawat isa.

Ito’y matapos maipalabas ang December 18, 2020 edition ng PBB Housemates Connect kung saan nagkaroon ng issue between Justin at Jie Ann.

Hindi madalas maligo si Jie-Ann sa Bahay ni Kuya. Napansin ito ng housemates kaya binibiro nila si Jie-Ann, partikular na si Justin na naging close na kay Jie-Ann.

Dahil sa naging biruan, naging usap-usapan ng mga netizen sina Justin at Jie-Ann kamakailan lang nang kumalat ang isang bahagi ng livestream kung saan nakapagsalita ng masakit si Justin kay Jie-Ann kaugnay ng hindi niya pagligo.

Tsika at Intriga

Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan

Inexplain ni Jie-Ann kay Kuya ang rason kung bakit hindi siya madalas maligo. Aniya, hindi niya nakasanayan ang pagligo araw-araw dahil kinakailangan nilang bumili ng tubig. Nasa P12 kada lalagyan ang binibili nila kaya’t tinitipid ng kanyang pamilya ang kanilang tubig sa bahay nila sa Sarangani.

Sa December 18 episode ng PBB Connect ay humingi na ng patawad si Justin sa kanyang mga nabitawang salita kay Jie-Ann. Nilapitan ni Justin si Jie-Ann, na noo’y dinadamayan ng iba pang housemates matapos makitang malungkot sa may pool area.

So there! Moral of the story huwag basta basta magnhusga ng kapwa tao, kaibigan or kasamahan sa trabaho.

Yun na!

-MERCY LEJARDE