KUNG kilala ninyo si Sandara Park, tiyak kilala niyo si Hero Angeles. They were build up bilang loveteam. Winner si Hero ng Star Circle Teen Quest noong 2005. Sa grand finals ay tinalo niya ang four other contestants. Ilan sa pelikulang ginawa ni Hero ay’Can This Be Love at Because of You. Naging shortlived ang showbiz career niya sa Kapamilya. Has success gone into his head at nagkaroon ng attitude problem? Whatever kinansela ang kanyang kontrata and it is best to leave it at that.

hero

Sa tulong ng yumaong Kuya Germs Moreno ay nagtrabaho si Hero sa GMA-7 at kalaunan ay nagpasiyang lisanin ang showbiz.

Year 2015 nang bumalik ang aktor sa ABS-CBN at napanood sa isang episode ng MMK. Pinuri ng marami ang kanyang pagganap. Napasama si Hero sa cast ng teleseryeng Halik bilang bestfriend ng bida.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Sa kaanyuan ay malaki ang pinagbago ni Hero kung kaya’t may magagandang plano ang Kapamilya para sa aktor. Last March sana sisimulan pero nagkaroon ng pandemya.

Kinikilala at grateful si Hero sa new chance na ipinagkaloob sa kanya at nangako sa todong suporta niya sa Kapamilya. Bukam-bibig ni hero noon ay walang tulugan. Napalitan na ito ng WALANG IWANAN.

-Remy Umerez