SINAGOT ni Derek Ramsay ang mga akusasyon sa kanya at maling impresyon sa kanya, pero siguradong, hindi dito matitigil ang isyung he’s not the marrying kind, na may relasyon sila ni Aya Tubillo, at secret married na sila ni Bea Alonzo.

derek

Sa isyung sa edad niya hindi pa rin siya mag-stick sa isang babae. Na matanda na siya pero hindi pa rin kayang mag-handle ng relationship.

“I really don’t understand why you guys think this? My relationship have lasted years. Yes, di nga siya nauuwi sa marriage but I know one day it will. I’m 44 and you guys na sobrang dami kong babae but hats not true.”

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Sa tanong kung totoong secret married sila ni Bea, “nope” ang sagot ni Derek. Nasa YouTube kasi ang report na ikinasal sila ni Bea na hindi nga totoo at eksena sa ginawa nilang pelikula ang sinabing kasal nila.

Sa isyu with Aya Tubillo na nasulat na bago niyang nililigawan, sagot ni Derek, “The issue is you seem to believe everything you read on the internet. Regarding Aya Tubillo is that she asked for a photo. Thats it.”

Anyway, ang dami pa ring nagwi-wish na magkabalikan sina Derek at Andrea Torres, pero mukhang malabong mangyari sa ngayon. May kanya-kanya ng buhay ang dalawa at hayaan na natin. Ang Christmas Station ID ng GMA-7 ang last nilang pagsasama dahil hindi na matutuloy ang teleseryeng dapat nilang gagawin.

-Nitz Miralles