NATUPAD ang dream project ni Direk Dolly Dulu na maisa-pelikula ang kanyang story titled The Boy Foretold By The Stars na isang romcom movie na may temang kabadingan.

jodi

Ang aktres na si Jodi Sta. Maria ang tumayong Fairy God Mother kay Direk Dolly at ito ang naging movie producer nang nasabing pelikula na tinatampukan nina Kean Johnson at Andrian Lindayag at Rissey Reyes. Clever Minds, Inc. ang name ng Film Productions ni Jodi with some of her prime investors.

Ang pelikula ay ang tanging boys love romcom sa Metro Manila Film Festival 2020 na magsisimula na sa ika-25 ng Disyembre.

Tsika at Intriga

Birthday wish ng dating business partner ni Ken Chan: 'Sana lumabas ka na!'

Ang The Boy Foretold By The Stars ay tungkol sa namuong special friendship ng dalawang high school seniors na sina Luke (ginagampanan ni Keann) at Dominic (ginagampanan ni Adrian) sa tulong ng manghuhulang nagsabing magkakasama sila sa isang retreat.

Sa virtual preskon ng The Boy Foretold By The Stars thru the invitation of katotong Reggee Bonoan ay natanong ni yours truly si Direk DollyDulu kung anong aral ang kapupulutan nang ating mga kabataan sa kanyang pelikula?

“Yung aral po ay…love is love. Yun po ang pinaka-basic ng kuwento. Love is for everyone regardless kung anuman ang iyong gender or preference ninyo. Hindi po siya exclusive para lang sa mga straight.” Ang sagot niya na punong-puno ng self confidence dahil aminado siya na isa rin siyang certified bading.

Yun na!

And in pernes, may tama siya, ha! As in tama siya sa pagsasabing love is for everyone at kapag tinamaan ka sa puso ng pana ni kupido ke mereseng straight ka nga sa una pero may mga straight din na kumakambyo ang gender kapag nakatadhana talaga sila na maging bading or tomboy or ma-in love sa kapwa nila lalake or kapwa nila babae.

Boom, ganerrnn!

Ay, basta panoorin na lang natin itong The Boy Foretold By The Stars ngayong MMFF 2020 para matanong din natin ang ating mga sarili kung puwede rin kaya tayong ma-in love sa bading or sa tomboy, noh.

Sayang at wala sa nasabing virtual preskon ang producer ng pelikula na si Jodi, coz may tanong din sana dito si yours truly kung may nanligaw ba sa kanyang T-bird or may napusuan rin ba siyang kabaro niya? Or, talagang ang hanap ng puso niya ay isang tunay na lalaki tulad ni Raymart Santiago.

Yon lang and I thank you.

-MERCY LEJARDE