May 22, 2026

Home BALITA Politics

Resbak ni hubby: Mister ni VP Sara, kakasuhan mga opisyal ng BSP, AMLC at ilang mambabatas!

Resbak ni hubby: Mister ni VP Sara, kakasuhan mga opisyal ng BSP, AMLC at ilang mambabatas!
Photo courtesy: Contributed photo

Nakatakdang magsampa ng kasong kriminal si Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang miyembro ng Kamara sa Quezon City Prosecutor’s Office sa Lunes, Abril 27, 2028.

Kabilang sa mga irereklamo ni Carpio sina BSP Governor Eli Remolona Jr., AMLC Executive Director Ronel Buenaventura, at ilang mambabatas gaya nina House Committee on Justice Chair Gerville Luistro, at Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña, Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno, at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima.

Sa inihandang reklamo, iginiit na ang mga nasabing opisyal ay, “connived to illegally disclose and divulge classified confidential banking records protected under the RA 9160 or the Anti-Money Laundering Act (AMLA) as amended, Bank Secrecy Law (RA 1405) and Data Privacy Act (RA 10173).”

Dagdag pa rito, inaakusahan din ang AMLC at House Committee on Justice na naglabas umano ng sensitibong impormasyon kaugnay ng pribadong transaksyon, kabilang ang insurance payments, time deposits, investments, at maging utility bill payments.

Ang hakbang ni Carpio ay kasunod ng paglahad ng AMLC sa pagdinig ng Kamara hinggil sa impeachment complaint laban sa bise presidente, kung saan iniulat ang umano’y “suspicious” at “covered” bank transactions na umaabot sa ₱6.77 bilyon na iniuugnay kina Duterte at Carpio sa loob ng halos dalawang dekada.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Sa naturang halaga, ₱4.425 bilyon ang pumasok sa kanilang mga bank account habang ₱1.554 bilyon naman ang lumabas. Mayroon ding ₱791 milyon na hindi matukoy kung inflow o outflow dahil sa limitasyon ng lumang sistema ng AMLC.

KAUGNAY NA BALITA: Higit ₱6B-covered at suspicious transactions ni VP Sara, mister kumpirmado!—AMLC

Ayon sa AMLC, itinuturing na “suspicious” ang isang transaksyon kung hindi maipaliwanag ang pinagmulan ng pera, hindi maayos ang pagkakakilanlan ng kliyente, o hindi tugma ang halaga sa kapasidad pinansyal nito. Samantala, ang “covered” transactions ay yaong lumalagpas sa ₱500,000 sa loob ng isang banking day.

Binigyang-diin ni Carpio na napilitan siyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang kaniyang asawa, pamilya, at ang sektor ng pagbabangko.

“I was constrained to seek legal action in defense not only of his wife VP Sara and the Duterte family, but more so in defense of the banking and financial community especially the unwary general public,” ani Carpio sa isang pahayag nitong Linggo.

Iginiit din niyang mahigpit na pinoprotektahan ng batas ang bank records at hindi dapat isapubliko.

“There is no exception. The prohibition is absolute. That is what Congress itself enacted to preserve full security against any disclosure of any information or record obtained by the AMLC,” dagdag niya.