Ipinagmamalakini Joseph Marco na siya’y nakasama sa cast ng Kapamilya seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin, at itinuturing niya na isang magandang karanasan ang makatrabaho si Jodi Sta. Maria.
“With Jodi, it’s effortless naman kasi we all know she’s super nice and ang sarap niyang katrabaho, ang sarap niyang ka-eksena and she’s so pretty so effortless talaga. So every time talagang I’m in awe na parang like wow,” pahayag ng aktor.
Ayon aktor, iniingatan niya ang maganda nilang samahan sa set lalo na’t sa kanyang mga leading ladies, on and off screen.
“Maalaaga naman ako talaga sa mga nagiging ka-love team ko so yung yung ginagawa ko, to be there and to be respectful as much as possible the best I can, kung paano sila i-treat ng special, they have to feel that way. Na dapat they feel special. Gusto ng mga girls yun,”
aniya.
Pansamantalang nahihiwalay si Joseph sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa ang lock-in training.
“It’s been a while since nakasama ko yung mga friends ko. Tapos lumipad sa Indonesia ‘yong girlfriend ko while I was in lock-in taping. Hindi na kami nag-abot. I
was a bit emotional during the last week of our taping. But I’m happy that everybody is safe. So yun lang yung wish ko ngayon, na sana manatiling safe everybody and may mga less fortunate people sana okay sila ngayon,” makahulugan nitong sabi.
Masaya si Joseph na isa siya sa mga masuwerteng artista sa entertainment industry ngayong 2020 dahil nagkakasunod-sunod ang offers sa kanya despite the pandemic.
“To be honest, it’s a roller coaster. From working in Malaysia and doing this international TV series The Bridge and then it’s actually my first film for Metro Manila Film Fest and dalawa kagad dun yung entries. After that I’m here in Ang Sa Iyo Ay Akin I just feel so blessed. And nag-close na rin yung deal that I’m signing up with ABS-CBNand I’m happy to hear that. I’m just so thankful. That’s why I want to protect what I have and I want to keep on working harder para mas matuwa sa akin and mas ma-build ko kung ano man yung kailangan gawin,” masaya niyang pahayag.
Sa ibang mga artista na mailap ang trabaho, nagbigay si Joseph ng mensahe.
“Just hang in there. I’m pretty sure magkakaroon rin sila ng gagawin and sana mabigyan lahat ng chance. So after this show, sana magkaroon din sila and if may matutulong ako, I would love to help,” pagtatapos ng aktor.
-ADOR V. SALUTA