First time magiging magka-partner sina Cassy Legaspi at JD Domagoso pero matagal-tagal na rin silang magkasama noon sa Sunday evening show na Studio 7, kaya no problem kung maging close na lalo sila ngayon dahil sa first romantic-comedy series nila na First Yaya. First time din nilang makakasama sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

cassy at jd

“Matagal na po kasi kaming magkaibigan ni Cassy at ng twin brother niyang si Mavy,” sabi ni JD. “Noong una po na muli kaming nag-meet para sa casting, may konting hiya pa rin sa amin, pero wala pong magiging problema, dahil friends na kami ni Cassy noon pa.”

Si JD ay anak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso habang si Cassy ay anak ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Naghahanda na sina Cassy at JD para sa lock-in taping nila sa January.

“Reading the script, muna po kami ngayon, gusto ni Direk LA Madridejos na ready na kami bago mag-start ng lock-in taping,” sey ni JD.

Sa Enero 2021 na rin magsisimulang mapapanood ang First Yaya sa GMATelebabad.

-NORA V. CALDERON