Aba iba rin ang Kapuso host at actress na si Iya Villania sa kanyang awra ngayon. Sa kanyang pangangatawan ay na-maintain pa rin niya ang pagiging fit after giving birth last July sa pangatlo nilang anak ng travel host na si Drew Arellano.

Mistulang dalaga ito habang naka-work from home sa paghahatid ng showbiz balita sa Chika Minute segment ng 24 Oras news program at sa family magazine show nila ni Camille Prats na Mars Pa More. Hindi naman pinalampas ng better half ni Iya na si Drew ang pagkuha ng stolen shot habang nakasalang ang misis virtually.

Proud at walang pag-aalinlangang ipinost ni Drew sa kanyang Instagram ang nakuhang picture. Umani ng good vibes sa celebrities at netizens ang kanyang paandar na may caption na, “Guys, hinahamon talaga ako nito eh. Nangaano si mrs eh! Nak ng! Ano??? Ano??? Isa pang anak??? Ano.!? Kainis eh!

Kaaliw ang panggigil ni Drew sa kanyang misis. Bentang-benta sa mga netizens. Well, hindi naman din kasi nakakapagtaka na ganoon ang datingan ni Iya sa kanyang bagong hairdo at pangangatawan dahil alaga ito sa pagwo/workout. Komento nga ng isang netizen sana raw all ganyan pa rin ka-sexy kahit may tatlo nang anak.

Drew Arellano, nag-research muna bago 'nagpakapon'

Sabi pa ni Anthony Pangilinan, mukhang dini-dare lang daw ni Iya si Drew na mag-exercise na para masuot na rin niya yung mga slim fit na sando at shorts.

Hirit naman ni Romi Garduce, “huminahon ka uy mahal mag-paaral.” Sagot ni Drew, “homeschool lahat.” Wow! Iba ka talaga Drew.

Ang tanong seryosohin naman kaya ni Iya ang panggigil at pang-uurot ni Drew na magkaroon pa ng pang-apat na anak o charot lang? Abangan!

-DANTE A. LAGANA