ANG kampanya ng Pilipinas ay isinalba nina International Master (IM) elect Michael "Jako" Concio Jr., Arena Fide Master (AFM) King Whisley Puso at April Joy Claros matapos ang magandang performance sa Asian Continental qualification tournament ng 2020 Online World Cadets and Youth Rapid Championships nitong Linggo sa Tornelo platform.

Ang Dasmarinas City bet Concio na nasa ilalim ng pangangasiwa nina national coach Fide Master (FM) Roel Abelgas at Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. ay nakipaghatian ng puntos sa kanyang huling dalawang laro at makisalo sa top spot kay Amirreza Pour Agha Bala ng Iran sa Open under 16 sapat para makausad sa world stage (December 19-23, 2020) kasama sina Puso at Claros.

CLAROS

CLAROS

Si Puso na ipinagmamalaki ng Cavite ay naipanalo ang dalawa niyan g huling laban para manguna sa  Open under 12 division habang si Claros,  high school sophomore sa FEU-Diliman at isa sa top player ni Grandmaster (GM) Jayson Gonzales ay ginapi si Arena Grandmaster (AGM) V Renganayaki ng India sa 7th and final round para mag qualify sa Girls under 14 section.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Subalit hindi naman pinalad na makapasok sa next round si Woman International Master (WIM) Kylen Joy Mordido na isa pang prize fighter ng Dasmarinas City chess team.

Tumapos si Mordido ng 5.0 points sa Girls under 18, kaparehas ng puntos na naikamada nina Tianqi Yan ng China at Woman International Master (WIM) Nutakki Priyanka ng India.

Matapos ipatupad ang tie break points ay lumagapak si Mordido sa fourth, nakuha naman ni Yan ang second habang nagkasya si Priyanka sa third. Nakamit ni Xiao Zhang ng China ang titulo sa Girls under 18 na may 5.5 points sa seven outings.