HOW lucky guy naman nitong newcomer na si Charles Nathan na first talent na mina-manage ni Joed Serrano of Godfather Film Productions, bakit hindi e bida na agad siya sa pelikulang Kontrabida na pagsasamahan nila ni Superstar Nora Aunor.

Charles Nathan

“Siya po ang magiging kontrabida ko and at the same time magiging bida ko.” Sey nitong si Nathan referring to Ate Guy.

Pero bago mag-shooting ng Kontrabida si Nathan with Ate Guy tentatively this coming December 28, 2020 ay nakasama muna siya sa Anak Ng Macho Dancer na co-stars nina Sean de Guzman, Ricky Gumera, atbp. sa direksyon ni Joel Lamangan.

Pelikula

'Throwback Thursday' ni Joross sa cast ng HLA, pinusuan ng netizens

Sa solo preskon nitong si Nathan ay present din ang kanyang Producer Mananger na si Joed Serrano.

Tinanong ito ni yours truly kung kasama si Charles sa limang newcomers sa Anak Ng Macho Dancer headed by Sean na binigyan niya ng house and lot?

“Hindi, eh. Mayaman kasi yang si Charles. Mayaman ang kanyang pamilya. Ang gusto ni Charles ay mag-negosyo kaya pang-negosyo ang ibibigay ko sa kanya.” Sagot ni Joed.

Wow, see how lucky guy this new star Charles Nathan? Well, sabi nga, some guys have all the luck, boom ganernnn!

And take note, in person ay tipong hawig itong si Charles Nathan kay Elmo Magalona.

Sey ni Nathan, okay lang naman daw na masabing hawig siya kay Elmo at sa yumaong Dad ni Elmo na si Francis Magalona (sln).

“Para sa akin, it’s a compliment po,” sey pa niya.

O, siya, for sure Charles Nathan mapapasikat ka nang husto ng iyong manager na si Joed Serrano na kasing-sikat noon ng mga naging leading men ni Superstar Nora tulad nina Tirso Cruz III, Manny de Leon, Christopher de leon , Cocoy Laurel at Bembol Rocco just to name a few coz napaka-generous at hindi masasabing belong sa tipid producer ang isang Joed Serrano of Godfather Film Productions.

Yun na!

Goodluck sa iyong showbiz career and welcome to showbiz world, Charles Nathan coz sabi nga ni Joed Serrano ay may ‘K’ ka naman maging isang sikat na celebrity in pernes.

-MERCY LEJARDE