Nagbigay ng paglilinaw ang aktor na si Eric Fructuoso tungkol sa namamagitan sa kanila ng aktres na si Kim Rodriguez.
Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens ang madalas nilang pagsasama sa mga social media post gaya ng pagsayaw sa TikTok at iba pa.
Kaya naman sa isang episode ng “Kay Susan Tayo! Vlogs” kamakailan, inusisa si Eric tungkol sa real-score nila ni Kim.
Sabi nj Eric, “Si Kim, ang buddy-buddy ko talaga. Because magkalapit lang bahay namin. Somewhere within the area rin.
"So hindi kayo mag-jowa?" sundot ni Susan.
Sagot ng aktor, "Hindi."
Ayon kay Eric, pamilya raw ang turing niya kay Kim. Sa katunayan, kapag kasama niya ang aktres, parang kasama na rin daw niya ang kaniyang anak.
“Parang feeling ko minsan, 'pag kasama ko siya, parang kasama ko 'yong anak ko. Pareho silang kilos, pareho silang makulit," saad niya.
Sa kasalukuyan, naka-focus si Eric sa healthy lifestyle na nagkataong tinututukan din ni Kim kaya sila nagkakasaundo.
Matatandaang kamakailan lang ay ibinida niya ang kaniyang body transformation matapos iwasan ang mga walwalan tulad ng pagdalo sa party, inuman, at pagtambay.
Maki-Balita: Eric Fructuoso, ibinida resulta ng pagtanggi sa mga walwalan