MASIDHI ang pagnanais ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez na madagdagan ang bilang ng mga atletang Pinoy na magkwalipika sa Tokyo Olympics, ngunit sa kasalukuyang sitwasyon kailangan pa ring iprioridad ang kapakanan at kalusugan ng atleta.

Sa ganitong pananaw nais masiguro ni Ramirez na handa ang lahat ng programa, higit sa ‘safety and health’ protocol batay sa ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago maisagawa ang ‘bubble’ training ng mga atleta na kwalipikado na sa Olympics, gayundin ang mga nakalistang sumagupa sa nalalabing Olympic qualifying event sa abroad sa darating na taon.

“We already discussing it with the IATF and other stakeholders, pero hindi kami nagmamadali. Kailangan natin masiguro na nasa tama ang lahat dahil foremost andpriority pa rin natin yung health ng ating mga atleta. Kailangan masigurong ligtas na talaga at yung ‘safety and health’ protocol talagang naka-established na,” sambit ni Ramirez sa isinagawang virtual press conference nitong Biyernes.

“Alam ninyo, isa lang ang mag-positive dyan, ipatitigil din agad natin yang ‘bubble’ training. Kaya what is the used na magmadali tayo kung papalpak din in the end,” aniya.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Ang Inspired Academy sa Laguna na siyang naging venue ng PBA at Chooks to Go 3x3 bubble ang tinitignang pasilidad para sa PSC bubble training bunsod na rin ng kompletong kagamitan gayundin sa medical operation dito.

Katuwang ang Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) gumawa ng Joint Administrative Order No. 2020-0001: Guidelines on the Conduct of Health protocol para s apagbabalik sa hinay-hinay na paraan ng mga aktibidad sa sports.

Sa panig ng GAB, naaprubahan na ang pagbabalik aksiyon ng basketball, football, boxing, combat sports, horse-racing at cockfighting.

“Right now, tuloy pa rin ang kanya-kanyang training ng mga atleta. Kami sa PSC, tuloy angpagbibigay naming ngh monthly allowances nila, gayundin nagco-conduct kami ng training, seminars and workshop with our Medical team para mabantayan ang condition ng ating mga atleta,” pahayag ni Ramirez.

Nagagampanan ng PSC ang tungkulin at responsibilidad sa mga atletang Pinoy sa kabila ng hindi inaasahang pagbawi ng pamahalaan ng halos P1 bilyon pondo para magamit sa paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

-Edwin G. Rollon