July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga rider na nangaladkad ng asong nakatali, pinaghahanap!

Mga rider na nangaladkad ng asong nakatali, pinaghahanap!
Photo courtesy: SARA - Animal Protection & Welfare Society (FB)

Pinaghahanap na ng isang animal protection group ang dalawang rider sa Sorsogon City matapos makuhanan ang mga ito na kumakaladkad sa isang asong nakatali habang umaandar ang sinasakyan nilang motor. 

Batay sa naunang post ng grupong Animal Protection and Welfare Society noong Martes, Hunyo 30, bandang 5:45 hanggang 6:00 ng hapon nang makunan ng video ang asong hinihila sa Pangpang, 7th St., sa tapat ng palengke sa Sorsogon City.

Mapapanood sa ngayong viral video na hindi na halos makalakad ang asong nakatali habang hila-hila ito ng pasahero ng motor na umaandar. 

Dahil dito, nanindigan ang grupo na hindi nila titigilan ang pag-iimbestiga upang matunton at mapanagot ang mga motoristang kumaladkad sa aso. 

Sa kasalukuyan, habang tiniyak ng Animal Protection and Welfare Society na umaandar na ang mabusising imbestigasyon, patuloy pa rin nilang hinahanap ang mga nakuhanang motorista sa video. 

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Sa pahayag na inilabas ng grupo nitong Linggo, Hulyo 5, ipinanawagan nila sa publiko na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, iwasang magpakalat ng anumang hindi beripikadong impormasyon tungkol dito upang hindi maapektuhan ang binubuksang kaso. 

“Thank you for your continued support, prayers, and for sharing information. We kindly ask everyone to avoid spreading unverified details while the investigation is ongoing, as this may affect the case,” panawagan ng Animal Protection and Welfare Society.