ISA sa mga bisita ni Derek Ramsay sa kanyang 44th birthday last December 7, si Pops Fernandez. Nagtataka lang ang netizens dahil walang litrato ang dalawa na magkasama. May litrato si Pops with Vina Morales at father ni Derek.

Sa rami ng bisita sa birthday ni Derek, na-focus kay Pops ang atensiyon ng netizens dahil na-tsismis siya na rason daw ng break-up ng aktor kay Andrea Torres.

Pero, napatunayang mali ang balita dahil family friend nina Derek si Pops at close ito sa kanyang mom. Itinanggi rin ni Derek na may third party sa paghihiwalay nila ni Andrea, kaya patahimikin na sana sila.

-Nitz Miralles
Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens