July 16, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Haba ng hair! Dolly de Leon, nilalandi sa Hollywood

Haba ng hair! Dolly de Leon, nilalandi sa Hollywood
Photo Courtesy: via MB, Pexels

Inispluk ng Filipino award-winning actress na si Dolly de Leon na may lumalandi umano sa kaniya sa Hollywood. 

Sumalang kasi si Dolly bilang guest sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Martes, Hulyo 14, kung saan sa isang bahagi ng panayam ay inusisa siya kung may nagtatangka bang magparamdam sa kaniya sa dami ng nakakasalimuha niya sa itinuturing na epicenter ng American film and entertainment industry na matatagpuan sa Los Angeles, California.

Pero sabi ni Dolly, “Walang nanliligaw. Pero may mga lumalandi.”

“At kapag may nangangahas maglandi sa ‘yo, Dolly, anong ginagawa mo?” sundot ni Boy.

“Hindi ko type,” anang aktres. “Ayoko. Wala akong time. I enjoy being single. I love being alone. [...] I just laugh it off. Pinagtatawanan ko lang sila. And then I walk away. “

Relasyon at Hiwalayan

One More Chance? Makati City Mayor Nancy Binay, nag-officiate sa kasal nina Bea Alonzo-Vincent Co

Dagdag pa niya, “Wala, hindi na ako interesado, e.”

Matatandaang si Dolly ay isang seperada. Mag-isa niyang itinataguyod ang apat niyang anak. 

Sa isang ulat ng Manila Bulletin noong Mayo 2023, sinabi ni Dolly na kasal siya noon ngunit hindi umano naging maganda ang relasyon nila ng kaniyang mister.

“Hindi siya nakakatulong sa aming dalawa and hindi rin nakakatulong sa mga bata. So I felt it was better for me to be on my own. That's why it ended,” lahad niya.

Gayunman, nananatili raw silang magkaibigan at nakikita pa rin naman daw ng mga anak niya ang tatay ng mga ito.