ANIMAL lover talaga si Kapuso actress Carla Abellana, kaya hindi kataka-taka na kahit busy pa siya sa lock-in taping ng GMA Telebabad series niyang Love of my Life, ay naghahanda pa rin siya ng feeding program para sa stray animals, ngayong papalapit na ang Pasko.

“Christmas is fast approaching and it’s time to make some strays feel this season too,” Instagram post ni Carla. “Let’s all share our blessings by giving them one of the best gifts a stray dog or cat can get, a clean and decent meal.”

Isang feeding program ang inilunsad ni Carla mula December 21 to 28. Nagpapasalamat na si Carla sa mga nagbibigay ng suporta sa kanyang advocacy.

Samantala, since patapos na ang lock-in taping ng “Love of my Life,” malapit na rin ang pagbabalik nito sa telebabad ng GMA-7.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

-NORA V. CALDERON