Nausisa ang celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes kung binabalak na raw ba nilang lumagay sa tahimik, lalo pa’t lampas isang dekada na silang nagsasama.
Sa pagsalang nina Coco at Julia sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Hunyo 26, kabilang ang kasal sa mga napag-usapan.
“Kanina nadulas si Coco ulit. Sa Regasco mediacon, nasabi niya 'yong 'nanay.' Dito 'yong 'nanay' nasabi na naman ni Coco. So, ano ba talaga? 'Yong nanay at tatay 'yan 'yong term of endearment n'yo?" tanong ni Ogie.
Pareho namang umoo sina Julia at Coco.
“So siyempre,” sundot ng showbiz insider, “ang itatanong nila [ng mga tao], kasal na ba sila o may plano ba silang magpakasal?”
Ayon kay Julia, sinasabihan niya raw si Coco na huwag silang magpa-pressure dahil bata pa naman sila.
“Naniniwala naman po ako na siyempre gusto nating basbasan. Pero at the same time kasi marami pa kaming dapat gawin. Ayaw naming i-pressure ang sarili namin,” saad ng aktres.
Dagdag pa niya, “Mas naniniwala kami na, ‘Ito, maayos tayo. Nasa center natin si God. And then, go with the flow muna.’ Walang pressure.”
Sa katunayan, ayon kay Julia, siya raw ang nagpapaantala na makasal sila ni Coco.
“Kasi bata pa ako,” paliwanag niya. “Ayaw ko naman na parang dahil nandito na tayo sa sitwasyong ito; dahil nasa tamang edad na tayo, enter na agad. May mga kaibigan din kami kasi na kung kailan nagpakasal nagkaproblema.”
Pero sa kasalukuyan, masaya raw si Julia sa kung ano man ang mayroon silang dalawa ni Coco. Tiniyak naman niya na pag-uusapan din naman nila pareho ang tungkol sa pag-iisang-dibdib kapag handa na sila pareho.
Kaugnay na Balita: Coco aminadong palaban; lahat ng umaway sa mga utol noon, binugbog!