July 10, 2026

Home BALITA Probinsya

Senior citizen, tinamaan ng kidlat sa dagat; patay!

Senior citizen, tinamaan ng kidlat sa dagat; patay!
Photo courtesy: Coast Guard District Palawan (FB)

Isang ginang na senior citizen ang napaulat na namatay matapos tamaan ng kidlat habang lulan ng bangka sa karagatang sakop ng Brgy. Mangingisda sa Puerto Princesa, Palawan, noong hapon ng Sabado, Hunyo 27. 

Batay sa iniyal na ulat ng Coast Guard District Palawan, kasama ng ginang ang kaniyang asawa at kanilang walong taong gulang na apo nang matamaan siya ng kidlat. 

Saad pa rito, galing umano ang pamilya sa Liberty, Puerto Princesa City at dapat ay uuwi na Barangay Mangingisda. 

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard at Philippine Navy upang sagipin ang pamilya at dalhin ang mga ito sa ospital para sa kanilang agarang medikal na pangangailangan. 

Tiniyak ng Coast Guard na sa kasalukuyan, patuloy na inoobserbahan ang biyudo habang ang apo naman ay naiulat na walang natamong pinsala. 

Probinsya

Probinsya ng Batanes, naninindigan sa awtoridad ng Pilipinas

Nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng Coast Guard sa iba pang mga detalye ng pangyayari kaugnay ang insidente. 

Samantala, ipinaaalala ng mga awtoridad sa publikong iwasang pumalaot sa karagatan kapag may banta ng sama ng panahon o posibilidad ng pagkulog at pagkidlat upang maiwasang matamaan nito. 

Sa kaugnay na ulat, ayon sa pag-aaral ng National Severe Storms Laboratory (NSSL), kung tatama sa katawan ng tao, ang kidlat ay maaaring magdulot ng pagkasira ng nervous system, na posibleng mauwi sa seizures, pagkawala ng malay, at iba pang abnormalities. 

Ito rin ay posibleng magdulot ng pag-short circuit sa puso na nagsasanhi ng pagkasawi. 

MAKI-BALITA: Tips para hindi tamaan ng kidlat kapag umuulan