July 10, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Tips para hindi tamaan ng kidlat kapag umuulan

Tips para hindi tamaan ng kidlat kapag umuulan
Photo courtesy: Unsplash

Ikinamatay ng isang 27-anyos na babae ang pagtama ng kidlat sa kaniya habang naglalakad sa kalagitnaan  ng isang bukirin sa Alcala, Pangasinan. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na kinilalang si Estila Lopez ay nag-shortcut sa bukirin matapos bumuili ng kaniyang meryenda. 

Dito ay naiulat na inabutan siya ng malakas na buhos ng ulan at ilang sandali lamang ay tinamaan na siya ng kidlat. 

Bagama’t agad na rumesponde sa lugar ng insidente ang mga pulis at municipal health personnel, nasawi pa rin mula sa pagtama ng kidlat si Lopez. 

MAKI-BALITA: Babaeng bumili lang ng meryenda, patay matapos tamaan ng kidlat!

Human-Interest

'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD

DAHIL DITO, BAKIT NGA BA NAGING MABILIS ANG NAGING PAGKASAWI NG BIKTIMA SA PAGTAMA NG KIDLAT? 

Sa pag-aaral ng National Severe Storms Laboratory (NSSL), ang kidlat o lighting ay isang higanteng kislap ng kuryente sa kapaligiran, sa pagitan ng mga ulat, hangin, o lupa. 

Sa ilan pang pag-aaral, binabanggit na ang kidlat ay naglalaman ng malawak na electrical pulse sa ilang millisecond. 

Kung tatama ito sa tao, ang katawan ay awtomatikong maglalabas ng init, na maaaring makasunog at makasira ng balat at mga laman. 

Bukod pa rito, ang kidlat ay maaari dng makasira ng nervous system, at mauwi sa seizures, pagkawala ng malay, o iba pang abnormalities. 

Panghuli, ang kidlat ay posible pang magdulot ng pag-short circuit ng puso, na sanhi ng pagkasawi. 

PAANO MAPOPROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA PAGTAMA NG KIDLAT?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), kapag humahagupit ang bagyo o malakas na pag-uulan at nasa loob ng bahay, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod: 

1. Iwasang humawak ng anumang electronic equipment

Ang kidlat ay mabilis na kumakapit at tumatama sa electrical systems, radyo, telebisyon, reception systems, at anumang metal wires o bars sa mga konkretong pader o sahig. 

Partikular na ipinapaalala rito ang pag-iwas sa pagsasaksak ng gadgets sa mga electrical outlet. 

2. Iwasan ang gumamit ng corded phones

Kung mayroong mga teleponong may cord sa bahay, mahalagang tandaan na isa itong mapanganib na gamit sa kasagsagan ng tag-ulan at bagyo. 

Mas mainam na alternatibong paraan ng komunikasyon ang cordless o mobile phones tuwing kumikidlat. 

Kung lalabas naman, binabanggit ng CDC na maging maagap sa pagsubaybay sa weather forecast at hangga’t maaari, ipagpaliban ang paglabas kung mayroong thunderstorm advisory.

Tandaan din na kung naririnig na ang pagkulog kahit na maaliwalas pa ang kalangitan, mainam na maghanda at manatili sa loob ng bahay dahil ang simula at pagtatapos ng bagyo ang itinuturing na pinakamapanganib na oras sa panahon ng kalamidad. 

Kung hindi maiiwasang lumabas, maiging lumayo sa anumang open spaces tulad ng bukirin, parke, playgrounds, swimming pool, at dalampasigan. 

Tandaan din na walang maituturing na “safe shelter” kapag nasa labas kaya iwasang dumikit o lumapit sa mga bagay na naglalabas ng kuryente tulad ng barbed wire fences, windmills, o kaya’y power lines.