ISA si VP Leni Robredo sa naging topic sa tsikahan with The Philippine Movie Press Club ni PAO Chief Atty. Persoda Acosta nito lang nakaraang Lunes, December 7.
Hindi daw kasi nagustuhan ni Atty. Persida ang paratang ni VP Leni Robredo na diumano’y “irresponsible noisemaking” scare daw sa Dengvaxia ang ginawa noon at yun daw ang dapat iwasan sa Covid-19 vaccination.
In pernes naman kay VP ay wala siyang pinangalanan pero if we are not mistaken ang PAO ang isa sa mga umalma at nagsalita para sa mga diumano’y nabiktima at namatay na mga estudyante dahil sa Dengvaxia vaccine.
Sinabi rin ng mga forensic personnel ng PAO na ang cause of death ng ilang kabataan ay dahil sa dengue vaccine.
“VP Leni, iresponsable po ba ang tulungan ang mga nabiktima ng dengvaxia? Ang mga biktima mismo ang nagiingay sa kanilang mga social media accounts at bilang taga-PAO, e, trabaho naming tulungan sila. Ang pagiging irresponsible, e, ‘yung hindi sila tulungan.
“Alam ni VP Leni ang trabaho ng PAO dahil siya mismo, e, naging PAO lawyer nu’ng hindi pa siya nagiging VP.
“VP Leni, I will give you a sisterly advice.
Magisip-isip po sana kayo dahil kung nakikipagbalbakan ka, e, hindi mo kalaban ang PAO.
“VP Leni, please leave PAO alone,” ang naging pahayag ni Atty. Persida sa harap ng mga miyembro ng PMPC.
Well, hindi kaya sa 2022 election ay maging magkalaban as President or VP ng bansa itong sina Atty. Persida Acosta at VP Leni Robredo? Just asking lang po. And just curious but not yellow, yun na! ?
Yon lang and I thank you.
-MERCY LEJARDE