July 05, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Vanness Wu ng F4, muling ikinasal; fans, todo support!

Vanness Wu ng F4, muling ikinasal; fans, todo support!
Photo courtesy: Vanness Wu (IG)

Social-media official na ang muling pagpapakasal ni Meteor Garden star at F4 member, Vanness Wu, matapos niyang i-post sa Instagram ang kaniyang marriage announcement nito lamang Lunes, Hunyo 29. 

Matatandaang si Vanness ay unang ikinasal kay dating Singaporean entrepreneur, Arissa Cheo, mula 2013 hanggang 2018. 

Samantala, sa nasabing post makikitang ang litrato ng kamay ni Vanness na hawak ang kamay ng isang babae na may singing. 

Sa caption naman, ibinahagi ni Vanness na maganda ang takbo ng taong 2026 sa buhay niya, dahil sa muli niyang pagtatanghal sa entablado kasama ang co-Meteor Garden cast at mga kasama sa F4. 

Isa pa, dahil kasama niya ang minamahal na itinuturing niyang pinakaimportanteng tao sa kaniyang buhay. 

Relasyon at Hiwalayan

Sachzna Laparan, hiwalay na sa jowa; utang na ₱50M, ‘di na pinababayaran

“2026 has been filled with so many blessings. Being able to tour again with the boys, being able to do what I love on stage and perform for you all… and now being blessed with the most important person in my life,” ani Vanness. 

Dahil dito, masaya niyang ibinahagi sa fans ang kanilang pagmamahalan at pag-usad ng relasyon. 

Hindi rin nakalimutan ni Vanness sa kaniyang mensahe na pasalamatan ang walang-sawang pagsuporta ng kaniyang fans sa mga nagdaang taon. 

“I’m truly so grateful to be able to share this love with all of you who have supported me throughout the years,” pasasalamat ni Vanness. 

Sa pagtatapos ng mensahe, hiniling ni Vanness ang buhos ng pagpapala sa lahat ng kaniyang fans at supporters. 

“May God bless each and every one of you with the same love and grace He has so generously shown me. † ” hiling ni Vanness. 

Sa comment section, bumuhos ang suporta at mga positibong mensahe ng fans at kapwa celebrity sa Taiwanese actor. 

Isa na rito sina Taiwanese singer at lead vocalist ng rock band, Mayday, na si Ashin at Kapamilya actress-host, Anne Curtis. 

Samantala, matatandaang idinaos ng F4 ang kanilang reunion concert sa Philippine Arena noong Sabado, Hunyo 27. 

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: Moral support ng anak sa fangirl moment ng kaniyang ina, kinaantigan