ILAN sa mga katanungang ibinabato sa ilang celebrities ang labis nilang ikinaiirita, gaya ng kailan ka mag-aasawa o pakakasal? O kaya’y “kailan ka magkakaroon ng baby?”
MALINAW ang nagging mensahe kamakailan ni Angelica Panganiban sa mga nangungulit sa kanya kung kailan ba siya mag-aasawa o magpapakasal:Hindi dapat pini-pressure ang sinuman kung kailan dapat magpakasal.
Ibinahagi ni Angelica ang kanyang saloobin tungkol dito sa online show niyang Ask Angelica noong December 4.
Isang netizen ang humingi ng payo kay Angelica kung ano ang gagawin niya dahil sa pressure sa mga tanong kung kailan siya magkaka-boyfriend at magpapakasal.
Sagot ni Angelica, “Batuhin mo yung mga taong nagtatanong ng ganyan. Sabihin niyo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?’”
Nagpahayag din ng opinyon ang guest co-hosts ni Angelica na sina Alex Gonzaga at Kean Cipriano.
Tutol din sila sa pang-uusisa at pagtatanong kung kailan magpapakasal ang isang tao. Hindi raw nakabubuti ang ganitong pressure mula sa lipunan.
Inusisa ni Alex si Angelica kung naranasan din niyang ma-pressure pagdating sa pagpapakasal. Sey ni Angelica, dahil sa pamilya kaya siya napi-pressure.
“Si Mama yung, ‘Sana magkaano ka na, ‘no? Magka-boyfriend ka na, ‘tapos pag ano, siya na talaga iyon,’ Yung mga ganun?”
Alam naman daw ni Angelica na isang sensitibong topic ang tungkol sa pagpapakasal.
“Then, umabot sa point na nainis ako, kasi parang, bakit? Bakit niyo gusto ang isang tao magkaroon ng partner, e, nakikita mo naman na buong-buo siya by herself?
“Talaga ba? Kailangan ba talaga ng lalake o ng babae sa buhay mo para lang masabing kumpleto ka?
“E, ‘di ba nga, dapat buo ka bago ka makipagrelasyon sa iba, dahil kung hindi, hindi rin naman kayo magiging masaya?”
Pagsang-ayon ni Alex sa sinabi ni Angelica, itigil ang pag-pressure sa mga tao kung kailan sila dapat lumagay sa tahimik.
Dagdag pa ni Angelica, “Oo, mind your own business, ‘di ba?”
Nagbigay rin ng opinyon si Angelica pagdating sa unreciprocated love o pagmamahal na hindi nasusuklian.
Katuwiran ng aktres, kapag nagmahal ka, hindi dapat naghihintay ng kapalit, kahit masaktan siya.
“Minsan kasi mahirap diyan pag nagbibigay tayo, nag-e-expect tayo ng kapalit. Tapos kung ano yung ibinigay natin, parang nalulungkot tayo na, ‘O, bakit ito lang? Ito yung ibinigay ko, ah. Dapat pantay tayo or higitan mo.’
“Kasi pag nagbigay ka, binigay mo yun, e. Huwag kang mag-expect ng something in return.
“Kaya lang masakit, siyempre, dahil love yung ibinibigay mo, ‘tapos hindi narere-reciprocate. Medyo hassle talaga yun.”
-Ador V. Saluta