Emosyonal si Kim Chiu sa kanyang mensahe after her contract signing sa ABS-CBN. Ipinost ng aktres ang clip ng kanyang contract renewal.
“Sums up my emotions today! SALAMATABS-CBN! Sasamahan ko kayo sa hirap man o sa ginhawa isang pamilya tayo! Walang iwanan! Maghahatid ng liwanag at ligaya,” sabi ni Kim.
“Proud Kapamilya. Always a Kapamilya and still a Kapamilya.”
Isa si Kim sa mga Kapamilya stars na nagpakita ng suporta sa ABS-CBN noong panahong iniligwak ng Kongreso ang hiling nilang franchise renewal.
Nitong nakaraang July, Kim posted on her social media: “My [heart breaks] for my fellow Kapamilyas. To those 70 members of the congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on facts, not ego; based on truth, honesty, and service; not vengeance.”
-Ador V. Saluta