MAKALIPAS ang ilang taon, balik-pelikula si Phillip Salvador sa proyektong tinanggihan niya ang Isa Pang Bahaghari. “I’m not ready then at I’m not in good shape. Abala din ako sa pagtulong kay Sen. Bong Go sa kanyang public service activities. Pero ng mabasa ko ang script I liked it.”
Pang-apat na tambalan nina Phillip at Nora Aunor ang Isa Pang Bahaghari. Ang role ni IPE ay isang repentant father na hangad mapatawad ng asawa at anak kanyang mga kamalian.
Wala pa kaming nababasang bad review ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Pinuri nang husto ang buong cast. Halos maiyak si Ipe sabay wikang “magsisisi ako kung hindi ko ginawa ang pelikula.”
Sinabi ng aktor na basta maganda ang material ay gagawa uli siya ng pelikula. Nais din niyang muling makatrabaho his contemporaries like Vilma Santos, Christopher de Leon at Tirso Cruz III. At sa younger set ay si John Llyod Cruz.
Hindi na award ang habol ni Phillip na makamit kundi ang maging succesful ang pelikula lalo na’t via streaming ito ipapalabas.
-REMY UMEREZ