HINDI pala bagong pelikula ang ginagawa ni John Lloyd Cruz dahil nasimulan na niya bago magka-pandemic ang pelikulang Servando Magdamag, natigil ang shooting at ngayon lang uli itinuloy.
Comeback movie ito ni John Lloyd sa direction ni Lav Diaz at sa script ni Ricky Lee at produced naman gn Blacksheep Productions. Kuha sa shooting ang mga litrato ng aktor na kanyang pinost sa Facebook at may caption na “on location.”
Natuwa ang fans ni John Lloyd sa pagbabalik niya sa paggawa ng pelikula at umaasa silang matuloy rin ang reunion movie nila ni Bea Alonzo to be directed by Cathy Garcia-Molina. Dapat this year gagawin ang pelikula, pero dahil dumating si COVID-19, baka next year na ito matuloy.
At least, may Servando Magdamag movie si John Lloyd na mapapanood ng kanyang fans habang hinihintay ang movie nila ni Bea.
-Nitz Miralles