NAG-VIRAL kamakailan ang photo Jessy Mendiola na ibinahagi sa Instagram ng Perez-Rubio Bridal, na nagsusukat ng wedding gown, kaya naman marami ang nag-akala na sa wakas ay ikakasal na ang katres sa boyfriend nitong si Luis Manzano.

jessy

Nitong Lunes ng gabi, nilinaw ni Jessy na ang larawan ay last year pa pala kinunan, at isa itong eksena sa romantic-comedy film ‘Stranded.’

Post ng aktres sa IG, “Last year pa po ito.”

Tsika at Intriga

Maris Racal umamin na bakit may twinning shoes sila ni Anthony Jennings

“Kaya po hindi ako masaya tingnan, kasi ayaw ko po magpakasal sa eksena. Nood na lang po kayo sa Netflix! Makikita niyo itong gown sa isa sa mga eksena,” dagdag pa ni Jessy.

Ayan nilinaw na ni Jessy.

Samantala bukod sa “wedding gown” nakadagdag din sa tsismis ang malaking diamond ring na nakitang suot ni Jessy sa isa sa kanyang IG Stories.

Ito ang isa pang dahilan kung bakit lumutang ang tanong mula sa kanilang fans, at ang posibilidad na baka nga na-engaged na ang dalawa.

Anyway, sa ngayon mukhang happy naman ang dalawa so let’s just wait.

-ADOR V. SALUTA