PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na for the first time ay ipakita na ang kanyang condominium unit sa pamamagitan ng vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, at Chad Kinis or her Beks Batallion.

Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una ang tinawag niyang “girly” condo, na siya niyang ginagamit na studio for her own YouTube channel, at iyon din ang storage space niya dahil siya ang may pinakamaraming gamit sa kanilang mag-anak.

Iyong isa pang unit in the floor ay where the family, she, Sen. Kiko Pangilinan and their children Kakie, Miel at Miguel, lives. “When the elevator door opens it’s our unit na,” sabi ni Sharon. “Yung main door ay light pink which is my favorite shade of pink.”

Kapansin-pansin na puno na ng Christmas decorations ang big living room na inilarawan ni Sharon bilang “maaliwalas, relaxing and mabango, mahilig kasi ako sa scented candles, room sprays, reed diffusers, and fresh and dried flowers.”

Tsika at Intriga

Anyare? Ngipin ni Andrea, natapyas

Nagbigay ng design tips si Sharon para sa tulad niyang condo dwellers tungkol sa different kinds of lighting.

“Wala akong ikinabit na chandeliers... kasi ayokong bumili ng chandelier na baka hindi ko magamit doon sa bahay na ipinagagawa namin ngayon, after waiting seven long years. So, if you have a standing light, and they’re all moveable kapag umuupa ka lang. So, kapag lumipat ko, madadala mo.”

Sa dati nilang lote sa Laguna nagpapatayo ngayon sina Sharon na tinawag niyang ‘forever home’ na.

-Nora V. Calderon