SINAMANTALA na ni Superstar Nora Aunor na tapos na ang lock-in taping nila ng Bilangin ang Bituin sa Langit, para tumulong naman siya sa mga mamamayan na taga-Marikina City na naapektuhan ng malalim na baha, dulot ng Bagyong Ulysses.

nora

Ginawa ang distribution ng relief goods last Saturday morning, November 28, na pinangunahan ni Ate Guy, na labis na ikinatuwa ng mga nabigyan niya ng tulong at ikinasaya nila lalo na iyong mga fans ng Superstar.

Twenty three days din ang naging lock-in taping ng GMA Afternoon Prime na pinangungunahan ni Nora, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, kasama rin sina Zoren Legaspi, Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Candy Pangilinan, Yasser Marta, Isabel Rivas at Divina Valencia, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Balik-TV na ang Bilangin ang Bituin sa Langit, simula sa Lunes, December 7, 2020, pagkatapos ng Prima Donnas, 4:15 PM sa GMA-7.

-NORA V. CALDERON