NAGBABALIK ang longest running drama anthology ng bansa na MMK, para maghatid ng mga bagong kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis, kasama sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.
Sa unang tampok ng MMK, binigyang buhay ni Arjo ang kwento ni Dr. El Bactol, isang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa COVID-19. Kasama niya rito ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, at si Jane, at idinerehe ni Dado Lumibao. Na lumabas na nitong Nobyembre 28.
Samantala sa Disyembre 5 naman, kuwento naman ng mag-ama ang babandera sa Disyembre 12 tampok sina Joshua at Nonie Buencamino. Idinerehe ni Nuel Naval, iikot and kwento sa mangingisdang si Layot (Nonie) at anak na si Maro (Joshua) na magkaiba and hangarin sa buhay. Alamin kung paano nila pinagsikapang abutin and kani-kanilang pangarap nang magkasama.
Sa pagpasok ng bagong taon, mapapanood naman ng Kapamilya ang kwento ng single mom at OFW na si Vagelyn Tumbaga-Pacio, na gagampanan naman ni Angel Aquino. Sundan ang kwento ng kanyang pagtatagumpay bilang pinakatanyag na Pilipino HR Director ng isang sikat na hotel sa Dubai.
Huwag kalimutang sundan ang mga kwentong kapupulutan ng aral sa ‘MMK’ tuwing Sabado, 8:45 PM sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.
Mercy Lejarde