July 19, 2026

Home BALITA Politics

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'

Giit ni SP Gatchalian: 'Sineseryoso ko ang trabaho!'
Photo Courtesy: Win Gatchalian (FB)

Tintrato umano ni Senate President Sherwin Gatchalian ang lahat ng trabaho niya bilang isang seryosong bagay.

Sumalang bilang guest si SP Gatchalian sa latest episode ng “KC After Hours” ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino nitong Sabado, Hulyo 18. 

Napag-usapan dito ang tungkol sa kasalukuyang posisyong hinahawakan niya sa Mataas na Kapulungan ng Kamara, na iba kumpara sa mga nauna niyang trabaho bilang chairperson ng finance committee at  ways and means committee sa Senado. 

Pero ayon sa kaniya, mahalaga umano ang kumpiyansa ng kaniyang mga kasamahan sa kakayahan niya.

"Kahit gustong-gusto mo, kahit gigil na gigil ka, kahit ambition mo ito, kung wala kang support ng peers mo, at tingin nila hindi ka qualified, that's not gotta happen,” saad ni SP Gatchalian.

Politics

Sen. Alan, 'di raw mapigilan ang sariling gumawa ng mga intriga—Palasyo

Kaya naman sobrang pinagpala raw siya na iginagalang siya ng mga kasamahan niya sa Senado.

Bukod dito, iginiit din ni SP Gatchalian ang halaga ng track record.

Aniya, “Importante rin, Karmina, 'yong track record, e. In fact, alam ng mga kasamahan natin na even on Fridays naghe-hearing tayo. Minsan, bumabagyo pa nga nagkakaroon kami ng hearing.”

“So I take my work seriously. And not only in the Senate but also when I was a mayor, when I was a congressman," dugtong pa ng Senate President.

Sa kabila nito, inamin ni SP Gatchalian na may agam-agam pa rin naman daw siya. Ngunit malaking bagay umano ang  track record at karanasan sa serbisyo publiko para mahubog ang kaniyang instinct. 

Matatandaang si SP Gatchalian ang humalili kay Sen. Alan Peter Cayetano matapos dumalo sa ikinasang special session noong Hunyo 14 ang isa sa mga miyembro ng Cayetano bloc na si Sen. Joel Villanueva, dahilan para makalikom siya ng 13 boto.

Kaugnay na Balita: SP Win sa trabaho sa Senado: 'Buti single tayo kaya maraming oras!'