July 19, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte engaged na!

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte engaged na!
Photo Courtesy: Screenshots from Luigi Villafuerte (IG)

Engaged na ang actress-dancer na si Yassi Pressman sa nobyo niyang si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte.

Sa latest Instagram post ni Luigi nitong Sabado, Hulyo 18, ibinahagi niya ang serye ng mga larawan at video ng kaniyang pagpo-propose kay Yassi.

“Our greatest adventure,” saad ni Luigi sa caption.

Tila hindi naman nakapagtatakang sa kasalan hahantong ang relasyon ng dalawa. 

Matatandaang sa isang ulat ng ABS-CBN noong Nobyembre 2025, inilarawan ni Yassi ang relasyon niya sa nobyo bilang “best relationship I ever had in my life.”

Relasyon at Hiwalayan

Janice, inudyukang makipag-live in si Inah kay Jake

Nagsimulang maugnay sa isa’t isa ang dalawa noong Agosto 2023 matapos silang maispatang magkasama.

Kumalat pa ang mga picture ni Luigi kung saan makikitang tinaniman niya ng halik sa pisngi si Yassi at nakahawak pa ang isa niyang kamay sa binti ng aktres.

Ito ay matapos makumpirmang hiwalay na si Yassi at ang ex-boyfriend nitong si Jon Semira.

MAKI-BALITA: Yassi may nilinaw sa ugnayan nila ni CamSur Gov. Villafuerte