SOBRANG panalo ang pinost ni Jennifer Lopez na cover ng new single niyang In The Morning. Kahit hindi na basahin ang caption ng post na “Here’s the official cover art for #InTheMorning. Single drops Friday” dahil ang photo na lang ni J. Lo ang titingnan.
Hubo’t hubad si J. Lo sa picture, pero napaka-artistic ng shot at kahit nasilip ng konti ang kanyang left boobs, hindi kakikitaan ng malisya. Tingnan n’yo naman!
Last time we checked, umabot na sa 7,129,129 ang views sa post ni J. Lo at may 119,239 comments. Kung marami ang natuwa sa kanilang nakita dahil wala raw sa hitsura at katawan ni J.Lo na 51 years old na siya, may mga hindi natuwa.
May nag-comment nga ng “No no no don’t be a Kim Kardashian. Keep it classy JLo” at “Is that what it takes to sell your music?” at ang mas mataray na “Is this all you’re about? Showing your body? Come on! Time to grow up do better, be better. This is why you can’t even get Oscar nominated. Nothing you do is groundbreaking.”
-Nitz Miralles