MANAMA, Bahrain – Impresibo ang unang salang ng Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup matapos pulbusin ang all-pro Thailand team, 93-61, nitong Biyernes sa second window ng torneo dito.

Pinangunahan ni Dwight Ramos ang batang koponan sa naitalang 20 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang Fil-Am swingman na sasabak sa UAAP para sa koponan ng Ateneo ang nagpaningas sa opensa ng Gilas sa second-quarter sa naiskor na 11 sa kabuuang 32 puntos.

Nag-ambag si Juan Gomez de Liano ng 12 puntos, kabilang ang 10 sa second period para sa ikalawang panalo ng Gilas sa Group A qualifiers.

Kumasa rin si Justine Baltazar ng 12 puntos, anim na rebounds, at isang block.

Target ng Gilas na mawalis ang Manama bubble sa muling pakikipagtuos sa Thailand sa Lunes ganap na 9 ng gabi.